Pinoprotektahan ka ng Intra mula sa pagmamanipula ng DNS, na isang cyber attack na ginagamit para i-block ang access sa mga site ng balita, social media platform, at app sa pagmemensahe.
01
Mas malayang access sa internet
Binibigyang-daan ka ng Intra na i-access ang mga website at app na na-block ng pagmamanipula ng DNS, na isa sa mga pinakakaraniwang anyo ng censorship online.
02
Proteksyon mula sa mga digital na pag-atake
Nakakatulong ang Intra na protektahan ka mula sa phishing at malware. Ginagamit ang mga pag-atakeng ito para magnakaw ng personal na impormasyon tulad ng mga username at password o mag-install ng software sa device mo sa pamamagitan ng pag-redirect sa iyo sa mga pekeng website.
03
Unlimited na proteksyon sa isang click lang
Napakadaling gamitin ng Intra — iwan lang itong naka-on at hayaan lang ito. Hindi papabagalin ng Intra ang iyong koneksyon sa internet at walang limitasyon sa paggamit ng data.
04
Teknolohiyang mapagkakatiwalaan mo
Pinapanatiling pribado ng Intra ang iyong impormasyon. Hindi namin sinusubaybayan ang mga app na ginagamit mo o ang mga website na binibisita mo.
Binibigyang-daan ka ng Intra na i-customize ang iyong provider ng DNS server. Magagawa mong gamitin ang iyong sariling server, o pumili sa mga sikat na provider tulad ng Cloudflare o Google.
Paano ito gumagana
Ine-encrypt ng Intra ang iyong koneksyon sa internet sa isang pampublikong Domain Name System (DNS) server. Gumagana ang mga DNS server tulad ng listahan ng contact — kapag gumamit ka ng internet, ibinibigay ng iyong DNS server ang mga eksaktong address na kailangan mo para bumisita sa isang website o magbukas ng app.
Gayunpaman, puwedeng baguhin ang mga DNS server para i-block ang access o i-redirect ka sa mga pekeng website. Sa pamamagitan ng pag-encrypt sa iyong koneksyon sa mga DNS server sa Android device mo, nakakatulong ang Intra na tiyaking hindi mamamanipula ang mga resulta, para ligtas mong ma-access ang internet.